Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.
Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng
araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America .
Akala nila masarap ang buhay dito sa America . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit
card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi a na pwedeng tumambay sa kapitbahay kasi busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila.
Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo,
kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun,
kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket.
Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America, ang isang kilong bigas sa Pilipinas P30.00, sa America $3.00 plus may tax ka pang babayaran, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++.
Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.
Madaming naghahangad na makarating sa America . Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa
trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
din sa ibang bansa katulad ng America. Hindi ibig sabihin dolyar na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.
16 Shout.
Thursday, May 08, 2008
Real life in working or living abroad
Posted by bea at 4:51 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment